Bam! Back To Reality…

Exactly 7 years ago today, I wrote this post from my very first blog at www.my-midnightsky.livejournal.com/6907.html . How coincidental and quite surprising.

Isang panaginip…na may halong excitement at konting panghihinayang. Naghalo ang saya’t lungkot sa muli kong pagbalik sa realidad ng mundong ibabaw. Tama. Panaginip nga lang. Panaginip na nag- ugnay sakin sa mga taong mahal ko at sumakabilang- buhay na. Panaginip na nagbigay ng pag- asa’t tuwa nang muli ko silang nakita. Lola Luz, Tito Tony, para sainyo ‘to…at sa mga taong nakakabasa nito, cheers tayo! Eto kwento ko…

Lumipas ang halos limang oras na ako’y nakahimlay at himbing na himbing sa pagtulog. At sa bawat hininga, unti unti akong itinaghoy ng aking panaginip sa kung san ako’y nagkaron ng malay at namulat sa katotohanan. Kung san naramadaman ko ang isang buhay na nais kong balik-balikan — buhay na salungat sa kung anong meron ako sa pangkasalukuyan. Naalala ko pa sa panaginip ko kung gano ka- tahimik sa lugar na ‘yon. Taliwas sa kung asan ako ngayon, ‘di ko maasam asam ang katahimikan sa aking puso’t isipan sa tuwing tatahol at kakahol ang mga asong para bang nauulol. Nakakairita. Nakakabingi..at higit sa lahat, nakakapang init ng ulo. Sa panaginip ko, matiwasay ang gabi. Tipong kahit may problema ka, wala kang ipangangamba. Taliwas sa kung anong klaseng buhay meron ako dito sa siyudad, hindi ko maranasan ang gabing makakatulog ako ng mahimbing dahil sa mga gabing tinutukoy ko eh nagpupuyat ako’t kinakarir ang buhay call center agent… Tipong inaasam- asam ko ang tulog na kasing himbing ng isang sanggol habang hinihele ng kan’yang ina pero wala akong magawa. Wala akong choice.

Oo nga pala, mabalik tayo sa panaginip ko… Naalala ko Lola Luz ko na nasa kwarto, nakaupo sa kan’yang kama at nanunuod ng tv. Nakapatay ang ilaw at tanging liwanag lang na naggagaling sa tv ang nasisilayan ko habang kalahating bukas ang pinto sa kwarto ng lola ko.

Sa sala kung san nandun kami ng Tito Tony ko…

“Tara, alis na tayo.” Excited na inaya ko tito ko sa muling paglipad namin papuntang kalawakan. Sa mga oras na yun, kahit na wala sa eksena ng panaginip ko ang pag lipad namin, alam ng subconscious mind ko na nagawa na naming libutin ang kalawakan ng nakaraang gabi at sa mismong eksena eh pangalawang araw na naming gagawin ulit ‘yon. Nagsilbing parang hobby o past time namin ng tito ko ang pag lipad at pag tuklas sa buong kalawakan gabi- gabi. Sa mga oras na ‘yon, ramdam na ramdam ko ang saya na parang isang batang nasasabik na bumili at makatikim ng ice cream. Pares ng isang bata, sabik akong matuklasan kung anong pakiramdam ng tinutuklas at nililibot ang kalawakang punung- puno ng mga tala… na kung ‘san maari akong mapag isa’t nag-iisip sa buwan. Malayang malaya, masayang masaya… Pero ayokong mangyari yon. Magiging selfish lang ako sa mga taong nagmamahal sakin at sa mga espesyal na taong minamahal ko. Ayokong malungkot sila sa pagka wala ko sa mga piling nila, habang ako masayang masaya at ini- enjoy ang pag lipad- lipad sa kawalan.

Habang hinihintay ako ng tito ko at nakaupo sa isang upuan ng dining table set namin na kung san laging nakaupo ang aking ina, sabay natanong ko siya. “San si ma?”  Sa mga oras na nananaginip ako, sa katotohanan, wala sa bahay si mama. Bago pa kami makatulog ng anak ko, nakaalis na siya.

“Di ko lam kung asan mama mo. Isa siyang detective. Delikado ang trabaho niya. Nasa Ma——— ata siya ngayon  ( di ko na matandaan yung lugar na nasambit ng tiyuhin ko kung nasan naroon ang aking ina. Di ko maintindihan kung anong pangalan ng out-of -this-world na lugar na yun. Basta ang naaalala ko eh nagsisimula sa titik ‘M’ yon. ). 

 Habang sinasabi niya sakin yun, ako naman ay atat na atat nang umalis kami at lumipad. ( Galing noh, para kaming mga super heroes na taga- bantay ng kalawakan o sabihin na nating, Pulis Pangkalawakan. haha. )

Habang nakahanda na kami para umalis…

“Ay, tito sandali lang. Magja- jacket lang ako kasi baka malamig sa taas. Magdadala na rin ako ng isang metallic pen ( kitang kita sulat nito lalo na pag sa papel na itim, kaya ko naisipan ‘yon ). Dadalhin ko yung silver. Ay hindi, yung red na lang pala.”

Sa mga panahong ‘yon, may dahilan kung bakit kinailangan kong magdala ng bolpen ‘non. Naisip kong isulat sa itim na langit na may mga tala ang salitang “Mommy” nang kung sa gayon eh malaman niya kung nasan ako… at malaman niyang hinahanap ko siya dahil di siya nakapag paalam bago umalis. Kung naaalala niyo yung patalastas ng Globe Telecoms, na kung san nandun si Santino, tipong nagco-connect the dots ng mga tala sa langit… hanggang sa nabuo ang isang drawing ng tatay niya. Ganon sana yung binabalak kong gawin habang nasa kalawakan kami ng tito ko.

Dali- dali akong naglakad papuntang sala ‘non at hinablot ang isang brown na corduroyjacket. Pagkasuot, nagpaalam na ‘ko sa lola ko kung san kami pupunta ng tito ko… Sabay nahiga na ang lola ko bago kami makaalis.

Nang naibulsa ko na ang sa jacket ko ang bolpen na dadalhin ko, naglakad na kami ng tito ko papuntang pintuan sa may hagdan malapit sa dining area. Doon, kung ‘san inaaya niya na kong sumama sakanya… Doon, kung san inaaya niya na kong lumipad papuntang kalawakan… Doon, kung san may NAPAKALAKING posibilidad na hindi na maaaring hindi ‘ko makabalik sa dito sa mundo.

****

Lola Luz… Tito Tony… Masayang- masaya ‘ko na naalala niyo ‘ko. Sa mga panahong hapit na hapit ang mga sitwasiyon na sana’y nakapiling ko kayo, hindi ako nakaabot. Alam ko namang naiintindihan niyo ‘ko. Buti pa kayo, marunong umintindi at hindi biased. Masaya ko sa ipinahiwatig ‘nyo kung nasan kayo sa mga panahong ito. Naway magkita- kita ulit tayo, kahit sa isang panaginip lang ulit. Kung san alam kong alam niyo na taliwas sa mga iniisip ng ibang tao ang totoong ugali ko. Kung san kayong sumakabilang- buhay na ang tanging nakakaintindi’t nakakakilala sa kabutihan ko. Kung san masasabi ko lahat ng saloobin ko ng walang halong paghuhusga.

Tito, sana next time, sa muli nating pagkikita, sa dining table lang tayo mag usap, ha? Kung kelangan mo na ulit lumipad sa kalawakan, iwan mo na lang ako… Isa pa, bata pa ‘ko at marami pa kong dapat ayusin dito..

Sa muli nating pagkikita…

Paalam.

Thankful on Independence Day

First of all, Happy Independence Day. Aside from the historical definition of it, it also means three things to me: (1) Freedom from corporate work because it is a weekend. Even just for a day; (2) Freedom from hamper of dirty clothes. Today is the perfect day to do the laundry; (3) And finally, the freedom to get away from it all. I’m staying in my bedroom the whole day. Game Of Thrones marathon it is.

So guys, how did you waste your life today? Holiday on a Sunday, eh?

A Page of Good Thoughts

 

16

  1. After years of waiting, I finally got the necklace last Saturday that mom told me about.
  2. Pre-valentine’s movie-ice cream-pizza-junk food-kinda date.
  3. Letting myself load up on junk food and sweets last Sunday afternoon after doing the chores and while my dearest wasn’t around. My future six pack abs will have to wait a little longer.
  4. Not caring about  my diet or getting fat no matter how often I eat chocos and ice cream. Well, not worried at all. 😉
  5. Quick summer getaways with my favorite group of friends. Refreshing.
  6. A little rain during the night.
  7. Misunderstandings with friends which resulted in new beginnings and stronger relationships.
  8. A new game app to play with.
  9. Learning to appreciate and love my job despite the heavy workload. I guess it’s the people and free food (sometimes). Hah.
  10. My sweet Seth who greeted me during Valentine’s day and told me how much he misses me.
  11. Munching on 2 buns of pan de ube for a midnight snack.
  12. A glass of ice cold water and ice cream.
  13. Movie marathons before hittin’ the sack.
  14. Sleeping for more than 7 hours before the clock ticks 5:30am on a Monday. Ahhh, sleep’s indeed a luxury for me.

 

OhwhyHELLo

You wake to find love crushed at your doorstep. As if overnight someone had tried to slip it under but it was too big, too unfamiliar to fit in your chest.
The earth shakes and all the cities under your skin are falling. And no one is around to hear it. Are you still broken if nobody witnessed your collapse? So you carry it with you.

All this crushed love, these quivers of excrutiating pain. And they never tell you how hard it is to lose love in people. How at night you can still feel your heart tugging towards them.

-cflopez-